June 28, 2012

Day-2

Totoo at naniniwala sya. Naniniwala sa hawak ng lahat.
Pero tinanong nya kung gaano katotoo ang sinasabing walang imposible at lahat ay may pag-asa.
Inilabas lang nya ang nasa loobin nya, malaking paniniwala nya na totoo ang may hawak ng lahat.
Oo sobrang laki ng tiwala nya pero paano kaya patunayan ng may hawak ng lahat na totoo ang lahat ng kanyang mga sinasabing walang imposible at may pag-asa ang lahat?
Kung patunayan man yan ng may hawak ng lahat ay buong buhay nyang paninindigan ang naglikha.

Maraming katanungan at kalituhan ang nasa isipan nya pero umaapaw sa kanyang isipan na kung totoo ang sinasabi sa naglikha ay siguradong patutunayan nya ang lahat na sinasabing PANGAKO.

June 27, 2012

Day-1

Ang sabi nya…meron sya. Pero sinisigaw nya na nagkamali lang sya. Nagkamali lang sya!
Dahil sya ay may malaking tiwala sa lahat ng may kapangyarihan.
May tiwala…May tiwala at yon lang ang pinanghahawakan nya.
Sobrang sakit ang hinusga nya. Sobrang sobra!
Gusto nyang maniwala pero sinisigaw ng kalooban nya na hwag syang maniwala dahil sa lahat ng bagay dito sa mundo ay may pag-asa. Oo pag-asa ang nasa isip nya at ang pag asa na yan ang nagbigay sa kanya ng tibay ng loob dahil may tiwala sya na ang lahat ay may darating na katotohanan at ang katotohanang hangad nya ay bunga ng kanyang pagtiwala sa itaas.
Kinasusuklaman man nya ang lahat pero umaapaw pa rin ang pag asa na nasa puso nya at isipan.
Marami man syang katanungan pero umaapaw pa rin ang pinanghawakan nyang pag-asa.
Pero minsan di rin nya maiwasang maisip paano kung tama sila? hindii hindi! Dahil hindi sila ang gumawa sa lahat ng bagay dito sa mundo. Dahil wala silang kapangyarihang baguhin ang anu mang bagay dito sa mundo. Wala!
Masakit para sa kanya ang narinig na panghusga. Pakiramdam nya tinalikuran sya ng lahat at nag iisa nalang sya. Mga katanungan kung bakit nangyari sa kanya ang husgahan nila, sya.
Ewan! basta malaking tiwala nya na ang lahat ng pangyayari ay may pag-asa. Pag-asa na bunga ng kanyang pagtitiwala.
Basta! Magalit man sya pero di nya magawa.
Basta sila na mag uusap sa kanyang pag-asa.

April 5, 2012

9 years today…

Sabi ko kay hubby nung isang araw, sakaling bigyan mo ´ko ng gift sa anniversary natin dapat sabihin ko sayo ngayon kung ano gusto ko para maka save ka, kase global krisis ngayon. Mahal ang gasolina…

Sagot nya, pag gift dapat surpresa.

Naisip ko baka surpresa nga noh. ???

Pag anniversary kase namin, angel perfume ang lagi kung matatanggap kase angel daw ako sa buhay nya, yon nga lang angel na may sungay. Minsan tinutubuan ako ng sungay pero hindi matulis ha. lol

Abot tenga na rin ang ngiti ko, paubos na kase ang konsumo ko sa loob ng isang taon.
I love ANGEL.



Sabi ko sa kanya, gift ko sayo mag resto nalang tayo.
Yon nga lang card pambayad ko, pera naman nya. lol

Agad sagot nya, saang resto? Shempre sa chinese resto para pulido ang pagkabusog ko. (nakunsinsya ako).
Ayaw nya ng chinese foods pero game pa rin sya. Masunurin talaga. :)

March 30, 2012

Time flies.

I can’t believe how time flies.
My 30 weekers are 4 years old.
It´s easy to see they´re premature specially my lil Mike but for Marc I start seeing his real age.

click image for larger view
Untitled

They love each other and sometimes don´t like each other.

twins

when people ask how old they are I just tell them my twins actual age instead of explaining why I´m using corrected age. I´m a proud momma of my preemie twins.

twins