Update…
05/25/2007
Hello sa lahat…
pasensya na talaga sa long hiatus ko, di ko tuloy na asekaso yong mga nag sign up.
Alam ko nung hiatus pa ako nag down ang angelic-pink at shempre pati site ko sa lolipop.lu ay down din dahil hosted din yon dito. Di ko kase napansin nag hang up yong server kapag dumami yong viewers, pero ngayon may automatic restart na ang server ko in case mag hang up uli.
Maraming free hosting sa net, kagaya yong may own domain na at nag offer din sila ng hosting, guys naiintindihan ko yong ibang lumipat, maraming salamat din sa panahon na nagtiwala kayo sa hosting ko, labyo all at shempre anytime welkam pa rin kayo dito. basta ang importante masaya tayong lahat sa blogosphere :).
To my ever dearest user na si Justin maraming salamat sa emails at sorry talaga ni kahit isa walang reply, busy lang talaga bunso. At tungkol dun sa hiningi mong favor, shempre naman ako yata yong taong hindi marunong mag NO hehhehe…
Honga pala may ibang nag silipat di ko pa na delete yong account, nalimutan ko tuloy kung sino sa inyo kase na delete ko rin yong mga emails. So please, paki confirm nalang dito sa tagboard ha, tenkyo!
Sa mga nag signup dati except kay Justin at Carmina Abby sila muna ang ginawan ko ng account. Kase baka yong iba hosted na rin sila iba diba? Kung wala pa, paki signup nalang uli dito, oki doki.
Kaninong site na down pa rin, nasa old server yong files paki sigaw na rin dito sa tagboard. LOL
May update lang dito kapag may panawagan para sa mga users. At sa lahat ng yahoo email paki check ng bulk folder or other folder ng yahoo account nyo kung sakaling wala kayong natanggap na login info galing sa angelic-pink.net.