Isang panaginip
08/05/2012
Totoo nga ang isang kasabihan na may pangakong napapako.
Patawad po.
Di mawawala sa kanyang isipan ang isang beses na nangyari.
Nagpakita sya. At alam nya na sya yon. Hinabol at kinausap nya.
At sabi nya, please lang po, please lang po. Sabay pahiwatig sa kanyang hinihiling.
Pero hindi sya sinagot at nakaimik lang din sya habang kinakausap nya.
Kahit hindi sya sinagot nito napaiyak sya at ramdam nya ang kaligayahan.
Isang kaligayahan na ang lahat ay parang may kasagutan at katotohanan.
Masayang masaya sya sa pangyayaring iyon.
Nang ilang sandali tinanong nya ang kanyang sarili kung ano nga ba ang pahiwatig na yon, dahil nalilito sya at hindi maiintindihan ang ibig sabihin.
Pero masaya sya. Dahil nagkita sila kahit hindi sya nito kinakausap.
Nagdaan ang ilang araw. May nagsabing… dapat may pasensya ka.
At naliwanagan sya nun. Kung pinagpasensyahan sya ng ilang ilang beses dapat matoto din syang magpasensya sa at maghintay. Dahil ang totoo nyan matutupad ang kanyang kahilingan.
Isang kahilingan na hindi para sa kanyang sarili.
At pinapangako nya, na hindi na sya maging isang makasarili.
Iisa lang ang kanyang hinihiling. At handa syang maghintay dahil siguradong darating ang tamang oras at panahon.