August 6, 2012

Hobby

Mahilig ka nga sa photography. Pero minsan nangangailangan ka rin ng tulong sa iba. Dahil hindi sa lahat ng lugar at panahon ay pwedeng iniasa lang sa iyong tripod. :)

Si hubby ko, kapag nakikisuyo nga lang ako sa simpleng pag click ng camera, aba! may physical reaction agad yon, na parang sinasabing…ayan ka nananaman sa ek ekan mo sa photography. Na agad mong maika badtrip kase parang nahihirapan lang sa pakikisuyo ko hahaha..

Pero naka idea pa rin ako. Dapat yong idea na hindi sya makapag react agad. lol

Psstt.. Epektibo!

Nag feeling feelingan ako na wala sa mood, ika nga bad mood at papansin kuno.
Agad naman napansin.
At sabi nya, baket wala ka sa mood? Shempre pa effect, di sumagot ang umarte.
Tinanong uli at kinulit ng kinulit.
Wala ako sa mood at gusto kung mag fotoshoot. Sagot nya, tara samahan kita.

Ang problema, mas komportable ako na mag isa. Nahihiya din ako noh? lol
Pero ang problema ko naman, ang lugar na gusto kung puntahan ay mahirap gamitan ng tripod dahil medyo uphill at maraming wild flowers kaya nagustuhan ko.

beautiful day.

August 5, 2012

Isang panaginip

Totoo nga ang isang kasabihan na may pangakong napapako.

Patawad po.

Di mawawala sa kanyang isipan ang isang beses na nangyari.
Nagpakita sya. At alam nya na sya yon. Hinabol at kinausap nya.

At sabi nya, please lang po, please lang po. Sabay pahiwatig sa kanyang hinihiling.
Pero hindi sya sinagot at nakaimik lang din sya habang kinakausap nya.

Kahit hindi sya sinagot nito napaiyak sya at ramdam nya ang kaligayahan.
Isang kaligayahan na ang lahat ay parang may kasagutan at katotohanan.
Masayang masaya sya sa pangyayaring iyon.

Nang ilang sandali tinanong nya ang kanyang sarili kung ano nga ba ang pahiwatig na yon, dahil nalilito sya at hindi maiintindihan ang ibig sabihin.
Pero masaya sya. Dahil nagkita sila kahit hindi sya nito kinakausap.

Nagdaan ang ilang araw. May nagsabing… dapat may pasensya ka.

At naliwanagan sya nun. Kung pinagpasensyahan sya ng ilang ilang beses dapat matoto din syang magpasensya sa at maghintay. Dahil ang totoo nyan matutupad ang kanyang kahilingan.
Isang kahilingan na hindi para sa kanyang sarili.
At pinapangako nya, na hindi na sya maging isang makasarili.
Iisa lang ang kanyang hinihiling. At handa syang maghintay dahil siguradong darating ang tamang oras at panahon.

Pizza lovers.
Masarap talaga basta sa pizza hut.
Sa pizza hut lang ako kumakain ng pizza dito. Para sakin wala ako ibang mapagpilian kung nagccrave ako ng pizza.
Di gaya sa pinas may greenwich at shakey´s.

Kaming tatlo lang kumain. Isang small at isang medium at eksakto lang talaga.
Super busog.

June 29, 2012

Day-3

Nag usap sila habang papaalis sya.
At taos puso nyang hiningi ang hinihiling na ang pagka alam nya ay walang imposible sa lahat ng bagay.
Sabi nya hindi isang hamon kundi ay hinahanap nya ang katotohanang minimithi.
Alam nya may plano sya para sa kanya at kung ano man yon hindi nya alam at gusto nyang malaman.
Gusto nyang malaman ang hinahanap nya para mabuo lahat sa kanyang isipan ang isang kulang.
Oo may kulang. Naniniwala sya na sya ay totoo pero may kulang.
Ewan at paano kaya nya makikita at matatagpuan ang hinahanap nyang kulang. Sana nga noh?! na sana nga matutupad ang lahat. Dahil kung mangyayari man ay paninindigan nya ang pinangako ng kanyang puso.
Isang pangakong paglilingkod dito sa mundo.